Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada, naalarma sa nangyari kay Lolit Solis

USAPANG CELL at stem cell.

Kuwento ito mismo ni Lolit Solis tungkol sa kanyang ikalawang stem cell treatment sa Germany kamakailan, kasamang muli ang alagang si Lorna Tolentino.

Like the first stem cell treatment she underwent more than a year ago, hindi ikinakailamuch less ikinahihiyani Nay Lolit na amining courtesy of her friend Dra. Vicki Belo ang milyong piso ring halaga ng nasabing medical breakthrough.

Malaki ang iginanda ng kundisyong pisikal ng talent manager-TV host makaraan ng unang gamutan. Mas gumaan daw ang kanyang pakiramdam.

But her diabetesthat manifested when she turned more than 60became burdensome sa puntong kinailangan na niyang mag-insulin. Ito ang itinuturong culprit ni Nay Lolit kung bakit bagamat matagumpay naman ang kanyang ikalawang stem cell treatment ay nawalan siya raw ng malay nang makauwi nat nagpapahinga sa kanyang West Fairview residence.

Dahil naalarma ang kanyang mga kaibigan most specially in showbiz, there was a seemingly endless barrage of phone calls after she regained her consciousness.

A concerned Bong Revillaalso her wardrang her up. Tanong daw nang tanong ang senador kung anong nangyari kay Nay Lolit at kung ano ang kailangan nito.

Moments later, ang nasa kabilang linya naman daw ng telepono ay si Jinggoy Estrada, na noong malamang libre lang naman ang naturang treatment ay ito pa raw ang nanita sa kanya na may halo namang malasakit, Eh, kasi naman, ang hilig-hilig mo sa libre, no! Hayan tuloy nangyari sa yo!

Realizing that Senator Jinggoy had a point, tumawa na lang daw si Nay Lolit.

Link:
Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada, naalarma sa nangyari kay Lolit Solis

Related Post