Annabelle magpapa-stem cell na rin

Nakatanggap ako kahapon ng phone call mula kay Annabelle Rama dahil type na rin niya na sumailalim sa stem cell treatment sa Germany.

Sa totoo lang, happy ako dahil na-discover sa Germany ang stem cell treatmentdahil talagang worth it na dayuhin, kesehodang isang araw ang tagal ng biyahe mula sa Pilipinas.

Plano ni Bisaya na gawin ang stem cell treatment sa third week ng July at in-encourage ko siya na ituloy ang kanyang balak dahil maganda talaga ang epekto sa katawan.

Rubby waging 2012 CEO excel

Congrats sa aking friend na si Rubby Sy ng Flawless dahil isa siya sa mga awardee ng 2012 CEO Excel (Communication Excellence in Organizations) na pinili ng Board of Trustees ng International Association of Business Communicators (IABC).

Hindi nakakagulat na napili si Rubby na awardee dahil siya ang sikreto kaya very successful ang Flawless, ang leading facial clinic ng bansa.

Doble ang tagumpay ni Mama Rubby dahil kabilang siya sa mga tumanggap ng Go Negosyo Outstanding Entrepreneur citation. Pararangalan si Mama Rubby ng CEO EXCEL sa awarding ceremonies na gaganapin sa July 12 sa Intercontinental Hotel, Makati City.

Tuwang-tuwa siya siyempre sa parangal na matatanggap niya.

Very thankful siya dahil ang pakiramdam niya, blessed na blessed siya.

We are just really working hard at Flawless every day. This award is a bonus.I couldnt have done it without my equally hardworking team. This award is really for all of us, ang nagpapasalamat na statement ni Mama Rubby.

Excerpt from:
Annabelle magpapa-stem cell na rin

Related Post