Philip Salvador, kakalabanin ang kaibigang aktor!

TO A great extent, the latest medical breakthrough called stem cell treatment has swept the nation like a typhoon entering the Philippine area of responsibility (or PAR as weather experts would say).

Previously in our column here in Pinoy Parazzi ay iniulat na namin ang lumalakas na pananampalataya in this modern science na bagamat maaaring gawin sa bansa ay mas epektibo kung sasailalim ang pasyente sa prosesong ito sa mismong bansa ang Germany na siyang pinagkukunan ng anti-aging substance extracted from a black mountain sheep.

By now, Boy Abunda must have left for Germany with his Nanay Lising whos suffering dementia (or Alzheimers disease) na karaniwan namang dumadapo sa mga taong may edad na. Also, in a week or two ay tutungo rin si Lolit Solis sa naturang bansa for treatment of her diabetes (pero sagot ni Dra. Vicki Belo ang isang milyong pisong bayad) with her ward Lorna Tolentino na siyang maglilibre naman ng kanilang week-long stay roon.

Minsan nang naipahayag ni Butch Francisco (who openly admits na wala siyang ganoong halaga after he had his condo unit in Greenhills repaired, almost reconstructed) na paano na raw ang mahihirap who cannot afford to avail of stem cell treatment?

Wala man itong relasyon sa showbiz, pero magsilbing panawagan sana ito sa Department of Science and Technology at Department of Health to conduct a thorough research on making affordable to the socially marginalized ang naturang treatment.

Stem cell treatment in Germany? Baka nga ang ilan nating mga kapus-palad na mamamayan, ang alam lang ay German cut na tule, asong German shepherd, processed meat na German sausage at ang the height, ang Master Showman na si German Moreno!

TAONG 2004 nang yakapin ni Philip Salvador ang pagiging isang born again Christian. Since then, Kuya Ipe has been shuttling between Manila and Bulacan (to as far as Bataan) kung saan ibinabahagi raw niya ang kanyang testimonya sa buhay, his past life most specially until he finally knew his Heavenly Master.

See the article here:
Philip Salvador, kakalabanin ang kaibigang aktor!

Related Post