Lorna Tolentino underwent stem cell treatment to improve health

PEP:

Kahit pa noong kabataan niya ay kilala na si Lorna Tolentino bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz industry. Hanggang ngayon na edad 50 na siya ay wala pa rin itong kupas.

Ang kanyang sikreto ay nasa patuloy na pangangalaga niya sa katawan.

Mahilig mag-ehersisyo si Lorna, at ilan sa regular niyang ginagawa ay ang yoga at gym workout. Nagda-diet din siya upang suportahan ang pag-e-exercise.

Halos lahat na ng diet ay napagdaanan ko na, pero ang tamang paraan pa rin ay mag-ehersisyo ka at [kumain ng] tamang pagkain, saad ng aktres sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), noong July 17 sa TV5 event sa Elements Centris, Quezon City.

Ibig sabihin, meron pa ring caution akong ginagawa. Binabantayan ko rin kung ano yung kinakain ko kasi sabi nga nila, You are what you eat, e.

Mas mapili ngayon si Lorna sa kanyang mga kinakain dahil na rin sa kanyang bad cholesterol level at hormonal imbalance sa katawan.

Hindi siya kumakain ng anumang matataba at maalat na pagkain.

Pagdating naman sa kanyang balat, Siyempre sa pangangalaga ng Flawless at Belo, at ni Joey Santos ng Villa Medica, kaya heto, patuloy na maganda yung skin ko.

STEM CELL TREATMENT. Bukod sa kanyang panlabas na anyo ay pinangangalagaan din nang husto ni Lorna ang kanyang kalusugan.

Go here to read the rest:
Lorna Tolentino underwent stem cell treatment to improve health

Related Post