Kris Aquino wants son Josh to undergo stem-cell therapy

Nais ni Kris Aquino na ipagamot ang panganay na anak na si Josh.

Ito ang isa sa mga dahilan na ibinahagi ng TV host-actress sa entertainment editor ng Balita na si Dindo Balares.

Ayon sa kolumn na Prangkahan na lumabas noong Biyernes, April 19, sinabi ni Kris, Ipapagamot ko kasi through stem-cell therapy sa Singapore this June si Josh.

Kuwento ni Kris, nahikayat siyang ipagamot ang kanyang 16-year-old na anak dahil sa positibong resulta sa pagpapagamot ng anak ng kanyang isang kaibigan.

Tulad ni Josh, may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (AD-HD) din ang anak ng kaibigan ni Kris.

Lahad ni Kris, Hindi nakakapagsalita ang anak ng friend ko.

In fact, wala rin kahit eye contact.

Pero after ng treatment, ang laki-laki ng improvement, at nakakabuo na ng full sentence.

Dagdag pa niya, Gusto kong i-try. Kasi, ayokong maisip pagdating ng araw na may means naman ako to avail the treatment pero hindi ko ginawa.

Kung sakaling matuloy, kakailanganin daw ng buong atensyon ni Kris habang nagpapagamot si Josh.

View post:
Kris Aquino wants son Josh to undergo stem-cell therapy

Related Post